ANG TUSONG KATIWALA
Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible
Society
1)
Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng
iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi
ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo
sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos. 4) Alam ko na ang aking
gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa
kanilang tahanan.
5) Isa-isa
niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una,
‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng
katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’
Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala
dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng
mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita,
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10)
Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking
bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11)
Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang
aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang
isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos
at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat
sakim sila sa salapi. 15) Kaya’t sinabi
niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam
ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang
itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento