Huwebes, Hulyo 2, 2015

ANG TUSONG KATIWALA

ANG TUSONG KATIWALA

Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.  2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang  aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang  langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
  9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10)  Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.  15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Martes, Hunyo 23, 2015

Ang Ningning at Ang Liwanag

“Ang Ningning at Ang Liwanag” isinulat ni: Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto)

                                                                  “Ang Ningning at Ang Liwanag”
                                                              isinulat ni: Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto)


 Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban.

Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.

Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita.

Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito.

Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.

Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.

Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin.

MapaLad ang araw ng Liwanag!

Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Martes, Hunyo 16, 2015

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

ELEMENTO  NG SANAYSAY
  • Tema at Nilalaman  -  anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
  • Anyo at Istruktura  -  ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
  • Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
  • Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
  • Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda.
  • Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may  kalawakan at kaganapan.
  • Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

BAHAGI NG SANAYSAY

BAHAGI NG SANAYSAY
  • Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
  • Katawan -  Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.
  •  Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

Ano ang Sanaysay?

SANAYSAY
 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa  ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.


Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

Martes, Hunyo 9, 2015

Alegorya ng Yungib

ANG ALEGORYA NG YUNGIB

Ang Alegorya ng Yungib
ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab,  sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba  ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding  na  may dala- dalang mga monumento  at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita  mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko,  na ang tangi nilang  nakikita  ay pawang  sarili nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng  kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
 At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na  baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita  niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip,  tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang  maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya?
O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan?  Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita  noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang  nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag  kaysa  mga bagay na nakikita sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at  iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag  ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak.
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita  ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya  ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang  panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan  patungo sa liwanag; hayaang  hulihin ang nagkasala at dalhin  nila  sa  kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya,  ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon  ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging  pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.  Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan  ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata  ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi  para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay  mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at  magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Sinuman ang  may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula  kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.